March 14th, 2007 by changkee
“If we pay attention, we can find a greater life, no matter where we are, no matter who we are, no matter what our circumstances are. If you tune into the mysterious coincidences in your life, if you discover and then follow your intuitions, you will find that there’s a door of opportunity for a greater life for you. You can’t be a victim and do it, but if you go beyond that, if you find a way out of whatever circumstance you’re in, whatever block you think you might face, what happens is that it works. It always works. The only thing that holds any of us back is not believing that it works.”
– James Redfield, author of The Celestine Prophecy
Posted in Uncategorized | 1 Comment »
January 7th, 2006 by changkee
Posted in Uncategorized | No Comments »
December 27th, 2005 by changkee
May ilang araw na ring nakalipas noong huli akong nagpunta sa Powerbooks. Kasama ko si Kuya Pipo para hanapin ang librong "blink". Pinagpapasiyahan pa namin kung aling edisyon ang bibilhin nang maulinigan namin ang dalawang babaeng nag-uusap nang malakas sa may counter. Sabi ng isa, "… Mahirap sa St. Luke’s… konti lang mga pasyente (pero) mayayaman mga pasyente dun. Mahirap magkamali dun… Mas maganda raw sa PGH. Maraming pasyente pero dahil charity sila… mahihirap, wala silang magagawa. Kahit anong gawin mo, kahit magkamali ka, okay lang. Walang pakialam ang mga duktor…"
Nanlaki ang mga mata ko. Napabulong ako, "Grabe, hindi naman…" Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang mga ideyang ‘yon. Nagtinginan kami ni Kuya. Kahit taga-St. Luke’s ang kapatid ko, dahil pareho kaming galing PGH, pareho kami ng reaksyon. Hindi dapat batayan ang kayamanan o kahirapan ng isang pasyente sa uri ng pag-aalaga o serbisyong matatanggap niya. Kahit na gaano kalubha ang kakulangan sa ospital, hindi ito sapat na dahilan para balewalain ang pagkatao ng pasyente. Sobrang inis na inis ako. Gusto kong tuktukan ang ulo ng babae. Alam mo ba ang pinagsasabi mo, miss? Isa kaya siyang high school o college student na nagbabalak kumuha ng medisina? Naku, sorry ha, pero sana lang hindi ka matanggap. Natakot ako nang maisip kong baka isa na siyang med student at di malayong makapaghasik ng lagim sa loob ng ospital. Diyos ko, patawarin po. Nakakatakot isiping may (mga)mabalasik na duktor na ganoon ang pag-iisip o ugali na umaaligid sa PGH. Titignan ko sana ang mukha ng babae at baka sakaling makita ko siya sa wards pero nawala na siya.
Habang pauwi sa bahay, pinag-usapan namin ni kuya ang babae sa Powerbooks. Hindi ko akalaing ganoon katindi ang epekto ng mga sinabi niya sa akin. Ganoon na ba kasuklam ang mga kabataan—tayo mismo— ngayon? Huwag naman sana. Sana maging hamon ito lalo na sa ating mga duktor.
Posted in Uncategorized | 2 Comments »
November 20th, 2005 by changkee
Limos
May isang oras na yata ako sa pila ng may lumapit sa akin na batang babae. "P’enge po ng pera. Pambili po ng pagkain." Siguro napansin niya ang suot ko at ang dala kong bag. Napag-isip ako. Bibigyan ko ba ang batang ito?
Lumaki ako sa pamilyang mapagbigay sa kapwa. Pero lilinawin ko lang: hindi kami milyonaryo. Kung ano man ang yamang pinakikinabangan namin ngayon ay dahil sa sipag at tiyaga ng aking mga magulang. Magugulat siguro ang marami sa mga kaibigan ko kung malalaman ninyong dating nagtrabaho sa bukid, namasukan sa Aristocrat, at nangalesa ang tatay ko para makapag-aral siya. Sa tulong at awa ng Diyos, naging maganda ang buhay niya. Masuwerte talaga kaming magkakapatid dahil hindi namin naranasan ang hirap na pinagdaanan ng aming mga magulang. Kaya naman ganun kahalaga sa amin ang pagiging matulungin sa kapwa. Kaya imbes na isang magarang handaan sa hotel, nagpasiya akong sa orphanage magdiwang ng debut. Kaya nga siguro di nakapagtatakang paggagamot ang pinili kong propesyon. Pero bakit di ko na lang bigyan ang batang nakatayo sa harap ko?
Alam niyo siguro yung kasabihan sa ingles: Naipamulat sa akin na malaki ang pagkakaiba ng pagiging matulungin sa pagbibigay limos. Huwag daw magbigay sa mga naglilimos sa kalsada dahil mamimihasa silang umasa na lang sa limos. Hindi na sila magsisikap magtrabaho. Ang sabi pa ay may sindikato pa ito. Hindi naman sa mga bata napupunta ang pera. At ang mga magulang. Hindi ba responsibilidad nila ang mga musmos nilang anak? Tama bang hayaan nila ang mga anak nilang maglaboy kung saan-saan?
Tinanong ko ang bata, "Nasaan ba ang nanay mo? Ang tatay mo?" Gusto ko pa sana siyang usisain pero naisip kong huwag na. Hindi niya ito kasalanan. Itiniklop ng bata ang nakataas niyang palad. "Nasa bahay po." "Sa kanila ka humingi ng pera. Dapat sila ang nagpapakain sa iyo." Hindi ko alam kung naintindihan niya ang mga sinabi ko. Nakita ko ang simangot niya sa mukha habang naglakad papalayo. Mukhang ganito na ang nakasanayan niyang buhay at hindi ko ito mababago kahit maghapon ko pa siyang kausapin. Hindi ko inaasahang maintindihan niya ang kasakimang ipinakita ko sa kanya. Nasa kanya na iyon kung isipin niyang masama akong tao. Tahimik ko na lamang siyang pinagdasal: Kayo na po ang bahala sa kanya…
Isa ito sa mga isyung makabuluhan para sa akin. Napag-isip ako dahil ganito ang magiging buhay ko sa darating na mga taon. Sa aking naging karanasan noong internship at pre-residency, napapatagal at nakokompromiso ang pagpapagamot ng pasyente dahil sa kakulangan ng perang panglaboratoryo at pambili ng gamot. Marami sa kanila ang galing sa malalayong lugar na pinilit makapunta sa PGH dahil akala nila libre ang gamot dito. Sa PGH, kahit may "white card" ang pasyente, may bayad pa rin ang mga laboratoryo at gamot. Isipin niyo na lang, dadating sila sa ospital na malubha na o naghihingalo ang pasyente. Lilinyahan ang anak nila, (minsan tinutubo), kukunan ng dugo. Bibigyan sila ng mga request para sa laboratoryo at mga riseta para sa mga gamot, habang ipinapaliwanag kung para saan ang mga ito. Hindi mo alam kung maiinis ka o maaawa dahil matapos mong magsalita, ayun, nakatayo pa rin sila sa harap mo. Hindi mo alam kung narinig o naintindihan ba nila. Ang iba nakatitig lang sa iyo, ang iba nakatingin sa papel, ang iba nakatungo. Tatanungin niyo sila. Ang sasabihin, "E, wala po kasi kaming pera." Madalas na nangyari sa akin na ako na ang sumalo ng pambayad sa mga laboratoryo ng mga pasyente. Alam kong hindi dapat ganun. Madalas akong pagsabihan ng mga kaibigan ko. Naiintindihan ko at sinusubukan ko namang magbago. Para na rin kasing paglilimos ito, diba? May mga bantay ngang dahil alam nilang magbibigay ka rin, sinasabi nilang wala na silang pera. Sinasabihan ko rin naman ang mga nanay at tatay na gumawa sila ng paraan. Pero mahirap para sa akin ang hayaan na lang sila, lalo pa’t buhay ng pasyente ang nakataya. Madalas nananaig ang awa. Umabot ako sa puntong isang daan na lang ang naiwang pera ko. Hindi naman ako naghihinayang dahil masaya ang pakiramdam ng nakatulong sa kapwa. Pero hanggang saan nga ba dapat tayo tumulong? Ano nga ba ang tama o mali?
Posted in Uncategorized | 1 Comment »
November 19th, 2005 by changkee
(Sa mga susunod na blog, susubukan kong magsulat sa Tagalog. Wala lang.)
Kelan lang, pumunta ako sa Quezon City Hall para kumuha ng NBI clearance. Dapat pala maaga akong nagpunta dahil mahaba na ang pila. Medyo kinabahan ako dahil bukod sa unang pila, may 5 pang himpilan. May lakad pa ako sa hapon (manonood kami ng Harry Potter!) at di ko alam kung matatapos ako agad. Sinabi ko na lang sa sarili ko, Bahala na, at hinanap ang dulo ng pila. Humigit-kumulang 30 tao ang nauna sa akin. Orange ang kulay ng t-shirt ng lalaking nasa harap ko. Tumingin ako sa mga taong nakapaligid sa akin. Iba’t-ibang klaseng tao ang nandoon. Halos lahat may hawak na plastic envelope na may lamang mga papeles: bio-data, police clearance, atbp. Naisip ko, ito ang mga manggagawang PInoy. Tinitiis ang tumitinding init ng araw at ang pag-asim ng sikmura. At kasama ako sa kanila! Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng tuwa. Uy, excited. Isa na namang magandang karanasan ito para sa akin. Biglang sumagi si isip ko ang kantang Pinoy ako, pinoy tayooo… Natigilan ako. Yuck, ang J. Napangiti na lang ako sa sarili. Sana walang nakapansin sa akin at baka isipin pa nilang may tama ako. Grabe ang init noon. Masuwerte at matalino ang mga nagdala ng pamaypay. Naisip ko, Naku, sana wala namang himatayin dito. Kahit duktor ako (handang tumulong sa sinumang bumulagta), ayoko atang masabak sa ganung sitwasyon sa panahong iyon, sa lugar na iyon. Ako ata ang hihimatayin. Dapat pala nagbaon ako ng kendi. Napansin kong may mamang nagbebenta ng mga kendi sa may silong. Ang galing mo, mama. Binuklat ko ang dalang librong The Camino para hindi mainip. (Ganun kasi ako, pag alam kong may pila ang pupuntahan ko, lagi akong nagdadala ng libro.) Hindi ko kinayang magbasa nang tuloy-tuloy dahil sa init kaya paminsan-minsan, tumitigil ako’t napapalingon sa paligid. Linoko ako ng pinsan kong magpatulong na lang kami. Magpalakad sa loob. Baka raw abutin kami hanggang hapon. Hindi ako pumayag. Minsan ko lang gagawin ito. Gusto kong maranasan ito ng walang daya. Nakita kong may mga dumating na mukhang mayaman. Magaganda ang suot, naka-gel ang buhok o kaya may make-up ang mukha. Mukhang may hinahanap sila. Hmm, sino kaya?… Mabagal ang pag-usad ng pila. Maya-maya may lumabas na mama galing sa loob, may hawak na resibo at tinawag ang mga pangalan dito. May mga taong alam kong kakarating pa lang ay doon na agad sa pangalawa’t pangatlong estasyon pinapunta (yung may fingerprinting). Tinuro sila sa akin ng pinsan ko. "Tingnan mo sila. Tapos na agad." Para bang may gustong iparating. Hay, hayaan mo sila. Napansin kong may bahid na ng pawis ang t-shirt ng nasa tapat ko. Hindi pa naman siya nangangamoy kaya okay lang. Nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa…
Posted in Uncategorized | No Comments »
October 25th, 2005 by changkee
Three weeks are finally over. The past several weeks zoomed by like race cars and here I am, left in the middle of a swirling cloud of dust. Despite the dangers of an asthma attack, here I am, waiting for the dust to settle. Hoping to get a clearer view of things. I’ve got time in my hands again. Time that may be too short but nevertheless TIME. Time to be with family… To reconnect with people I’ve missed… To catch up on movies and cds and books and blogs… To watch marathons of House MD, Lost, Grey’s Anatomy, and CSI… To attend weddings… To get back what I’ve lost… To be all schmaltzy and nostalgic and finish my scrapbooks… To write more poetry (hopefully)… To do insane things… To finally go on an out-of-town trip… To recharge… To pray… To think and rethink and think some more… Ah, the joy (and horror) of having time in your hands. Hopefully, by the time I’m done, the dust would have settled. And finally, I can breathe again.
Posted in Uncategorized | 1 Comment »
October 8th, 2005 by changkee
Just started my pre-residency training in Pedia at PGH. First day pa lang toxic na. I’m assigned to the Cardio service and have 3 patients, 2 of which were intubated and unlike my other co-preresidents, I had to endorse them on my own on the first day. Binago pala sked namin at nalaman ko lang nung umaga na duty pala ako that day. There were supposed to be 4 of us but no, 2 decided to quit. Tapos may morning endorsements pa the next day. We had to prepare transparencies for endorsed and new admissions, only to find that our census transparency was missing when endorsements were about to start. Siyempre got grilled when I was presenting. Na-rattle ang lola kaya nakalimutan kung paano mag-interpret ng ABG (arterial blood gas). And when it came to the theoretical questions, sino ang laging tinatawag? Ako. Ako na walang alam.
So for three days I was endorsing two q1 patients (patients who need close watch and are thus monitored every hour). And since my babies were Cardio patients, I have to do the blood extractions. ABGs forever! And these are tiny babies we’re talking about. It’s like internship all over again (minus the monitoring)! Wednesday was my luckiest day. I was at the OPD with my seniors until 6 pm and I had to go back to endorse my patients without much time to prepare and no senior for support. So I endorsed to the duty team led by (gasp!) Dr. Cifra, known for being meticulous. Prinito, ginisa, inihaw, lahat na. And to top it all, I lost my wallet. (May tawag dito: Murphy’s Law.)
Ako tuloy, feeling lost din. Even if I wanted to play a more active part in the management of my patients, I admittedly lack the knowledge and skill in managing cardio cases. Fluids at ABGs pa nga lang e nalilito na ako, paano pa kaya mechanical ventilators. 3 different models pa gamit namin. Yung isa antique na ginagamit pa rin.
There’s just too much to learn. Of course, I know it’s part of being a doctor. Walang katapusang pag-aaral at pagpapakadalubhasa. For the past how many years, I’ve pictured myself as a pediatrician. I’ve collected children’s books related to medicine. My aunt even gave me my very own pedia stet when I was still a clerk. But now that I’m there—well, almost there— I’m realizing a lot of things. But I won’t be posting them here. Maybe next time. Suffice to say, I made a decision to enter residency in Pedia (gulp) in PGH (double gulp) knowing it will not be easy. Having had my medical education at UP-PGH may have benefits but at this point in time, I feel like it’s kind of backfiring. People expect so much from me. It’s terrifying! Right now, I feel so unprepared, so out of place. It’s like, am I at the right place? Is this really what I want to do? My good friend and co-resident Maan advised me to take it one step at a time. The work itself is pressure enough, ayoko na dagdagan pa. The thing is, I don’t want to be just doling out money for my patient’s ABGs and extracting them. I want to do more. And it will take more than my dream, my desire, my noble intentions. It will challenge what I know or believe about myself. I know this experience will change me. I just hope it won’t change my mind.
Posted in Uncategorized | 3 Comments »
May 15th, 2005 by changkee
Ten years ago, I never even thought of doing this. Five years ago, I just wondered what it would feel like but I never got around to do it. Two years ago, okay, maybe just a little. A year ago, I almost did, but not quite. Three days ago, I made the big leap. May 12, mark this day.
Has Chang finally fallen in love, you wonder.
Hah, No. I just got myself drunk. Cheers!
Posted in Uncategorized | 1 Comment »
May 9th, 2005 by changkee
Internship’s over. Yehey. Pero tuloy pa rin ang trabaho para sa class. Graduation, yearbook… Soon, aralan na para sa boards tapos residency. Wala na bang katapusan ‘to? Pede bang pahinga muna?
Posted in Uncategorized | 1 Comment »